Home Celebrities Boyfriend ng Vice Mayor sa Iloilo, inireklamo dahil hindi nagbibigay ng sustento sa anak

Boyfriend ng Vice Mayor sa Iloilo, inireklamo dahil hindi nagbibigay ng sustento sa anak

0

Usap-usapan ngayon sa social media ang love story ng 57-anyos na Vice Mayor ng Alimodian, Iloilo na si Joffree “Kalay” Alonsabe na naitampok pa sa programa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Matatandaan na isinapubliko ni VM Alonsabe ang kanyang relasyon kay Jaz Dionisio matapos ang kanilang unang buwan ng pag-iibigan.

Sa kanyang kwento ay nakilala ni Alonsabe ang kanyang nobyo sa isang bar sa Iloilo na hindi pa noon alam kung ano ang kanyang posisyon sa gobyerno.

“Natuwa ako sa kaniya. Mabait na tao, simple lang. Nabighani ako sa kaniya,” kwento ni Dionisio sa nasabing programa.

Ngunit ang nasabing istorya ay nabahiran ng kontrobersya matapos lumutang ang dating asawa ni Dionisio.

Screencap mula kay VM Alonsabe

Ayon kasi sa dating partner ni Dionisio ay hindi nagpapadala ng sustento ang nobyo ngayon ng Vice Mayor sa kanilang mga anak.

“Kagabi lang, nakatanggap ng mensahe ang aming programa mula sa dating asawa ni Jaz. Diumano matagal na raw hindi nakakatanggap ng sustento ang kanilang mga anak mula kay Jaz.” ayon sa nasabing programa.

Dinepensahan naman ni Dionisio ang kanyang sarili at sinabi na mayroon na silang sariling mga buhay.

“Nai-explain ko naman sa kanya ng maayos,” paumpisa niya. “Ang sabi ko may sari-sarili na tayong buhay, may pamilya ka na rin diyan. Sabi ko nga sa kanya, humihingi ako sa kanya ng pasensya ng buong puso.” 

“Nawalan din ako ng trabaho, ngayon lang ako nakabalik sa trabaho. Marami rin akong nadaanan sa buhay na masasama din, pero ngayon naka-recover na ako. Hindi naman ako tumatalikod bilang ama,” dagdag niya pa.

Samantala ay tinanggi naman ng bise alkalde na peperahan lamang siya ng kanyang nobyo.

“Dahil may katungkulan ako, ang madalas na sinasabi ng iba, pera lang daw habol nito or fame,” aniya. Iniisip kasi ng mga tao na kapag may relasyon ang isang LGBTQIA+, peperahan ‘yan, gagamitin ‘yan,” wika niya.

“Pero hindi naman ganoon lahat ng tao. Si Jaz, ibang-iba talaga sa lahat.’ Sabi niya sa akin nu’n, ‘Pinapangako ko sa’yo na magiging honest at saka magiging totoo ako sa iyo dahil mahal kita.’ Sobrang nakakataba ng puso,” dagdag niya pa.

Facebook Comments