HomeCelebritiesBardagulan incoming? Cristy Fermin, tila nagpatama kay Lolit Solis habang ipinagtatanggol si...

Bardagulan incoming? Cristy Fermin, tila nagpatama kay Lolit Solis habang ipinagtatanggol si Bea Alonzo

Ipinagtanggol ng kolumnista na si Cristy Fermin ang aktres na si Bea Alonzo sa mga bumabatikos sa aktres.

Sa kanyang programa na “Cristy Ferminute” kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika ay pinag-usapan nila ang mga narating ni Bea.

Pinuri din nito kung paano hawakan ni Bea ang kanyang pinaghirapan sa showbusiness katulad ng pamumuhunan nito upang sa hindi ito masayang.

Naniniwala naman si Nay Cristy na “inggit” ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga taong tila hindi maganda ang nagiging komento kay Bea.

“Marami palang pupwedeng maging dahilan para hindi maging maganda ang panlasa ng marami kay Bea Alonzo. Sabihin na natin, o sige na nga, diretsuhin na natin, inggit na nga.” ani Cristy.

Kabaliktaran naman ito ng ginagawa ni Lolit Solis na dating kasamahan ni Cristy sa isang programa.

Matatandaan na ilang beses binatikos ni Lolit si Bea at tinawag pa itong “mas mukhang matanda” kaysa kay Marian Rivera.

READ MORE: Lolit Solis pinagkumpara si Bea Alonzo at Marian Rivera: “Mukhang mas matanda si Bea na wala pang asawa at anak”

Samantala ay tingin naman ni Fermin ay “napakaganda” ni Bea para sa kanyang edad.

“Eh isipin mo naman, ang tindi naman ng puhunan ng batang ito. Napakaganda, sa edad niya ngayon, alagang-alaga niya ang kaniyang kagandahan. Tapos ang galing umarte. Inaabangan na nga natin yung proyekto nila ni Alden Richards, ‘di ba? Yung ‘Start-Up’.” sabi pa ng kolumnista.

Hinangaan din nito si Bea sa hindi pagpansin sa mga bumabatikos sa kanya.

“Kaya tama lang ang ginagawa ni Bea, no to negativity. Wag pumansin ng mga nangne-nega. Alam mo yung mga nangne-nega iyon ang wala eh, iyon ang kulang.” sabi pa niya.

Wala pang tugon si Lolit sa tila patama sa kanya ni Cristy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular