HomeCelebritiesAlexa Miro, inamin na naiyak matapos batikusin dahil sa pagkaka-link sa kanya...

Alexa Miro, inamin na naiyak matapos batikusin dahil sa pagkaka-link sa kanya kay Sandro Marcos

Inamin ng aktres na si Alexa Miro na ikinagulat niya ang pagkaka-link sa kanya kay Ilocos Norte Rep. at Presidential son Sandro Marcos.

Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, inamin ni Alexa na malapit nga sila sa isa’t isa ni Marcos ngunit iginiit nito na magkaibigan lamang sila.

“Super close po namin. We’ve been friends for a really, really long time, and we’re just really close,” kwento ng aktres.

Inamin naman ni Alexa na hindi niya kinaya ang mga pambabatikos na kanyang natanggap matapos kumalat ang balita na nobya siya ng kongresista.

alexa 1

“It was unsettling for me in the beginning, kasi I’m not used to bashers. That’s very, very new to me. May mga bashers—as much as there are a lot of supporters—there’s also a couple of bashers…” aniya.

“And admittedly, it affected me for a little while, kasi first time ko siyang na-experience, so iniyak ko siya. But then, I just breathed and I let it all out because, at the end of the day, what matters is you know who you are and the people that know you,” dagdag niya pa.

alexa 2

Matatandaan na unang kumalat sa social media ang diumano’y relasyon ni Alexa at Marcos.

Lalo pang lumakas ang kutob ng mga netizens ng dumalo ang aktres sa mismong oath taking ni Marcos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular