Home Celebrities Sarah Geronimo, tinanggihan diumano ang alok ng GMA-7 na P800-M para sa exclusive contract

Sarah Geronimo, tinanggihan diumano ang alok ng GMA-7 na P800-M para sa exclusive contract

0

Usap usapan ngayon sa social media ang pagbabalik ni Asia’s Pop Royalty Sarah Geronimo sa ABS-CBN matapos ang ilang taon nitong pamamahinga.

Ilang balita ang sinasabi na ang bigong negosyasyon sa pagitan ng GMA-7 at ni Sarah ang dahilan ng pagpapatuloy ng singer bilang isang Kapamilya.

Ayon sa isang showbiz insider ay umabot sa mahigit 800 million pesos ang alok ng Kapuso Network para sa isang five-year exclusive contract kay Sarah ngunit tinanggihan ito ng singer.

Ito na diumano ang pinakamalaking alok ng GMA para sa isang artista sa kasaysayan.

Ngunit hindi parin ito mahihigitan ang 1-B pisong kontrata na inalok ng TV5 noon kay Sharon Cuneta.

Kwento naman ng host ng Energy FM na si Kapitan Sisa ay isa sa mga dahilan ng pagtanggi ni Sarah ay ang pagiging “loyal” nito sa ABS-CBN kahit na wala na itong prangkisa.

“Hindi kinagat kasi ng nagiisang Asia’s Popstar Royalty na si Sarah Geronimo dahil ang kanyang loyalty ay nasa Kapamilya network… Na wala pa umanong definite project para sa kanya,” sabi ng host.

Sa ngayon ay inaasahan na aabot sa 2-3 million pesos ang magiging talent fee ni Sarah sa kada paglabas nito sa ASAP.

Patuloy naman daw ang negosyasyon ng GMA para makuha ang asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli sa Kapuso Network.

Matatandaan na ilang beses ng naiulat ang negosyasyon sa pagitan nila Sarah at ng GMA.

 

 

Facebook Comments