HomeCelebritiesKakampink na Magna Cum Laude, inaakusahan ng pangongopya ng talumpati

Kakampink na Magna Cum Laude, inaakusahan ng pangongopya ng talumpati

Inuulan ngayon ng pambabatikos sa TikTok ang isang Magna Cum Laude na nakapagtapos sa isang unibersidad sa Camarines Sur dahil sa diumano’y pangongopya nito ng speech.

Napansin ng mga netizen ang pagkakapareho ng speech ni Jayvee Alen na isang magna cum laude sa Camarines Sur Polytechnic Colleges sa talumpati ni Mariyela Mari Hugo na isa namang cum laude sa Far Eastern University.

Ibinahagi sa TikTok ang pagkukumpara sa speech ng dalawa at mapapansin na may ilang parte ng kanilang talumpati ang magkapareho.

“Lang… a shortened Filipino word for ‘lamang’, which means mere just or only…” wika ni Ayen.

Maririnig din ang kaparehas na salita sa talumpati ni Hugo.

@mr.infody

#CopyPhaseSpeech🤮

♬ original sound – 🐰🍁Eugene Cabales🍁🐰 – 🐰🍁Mr. Infody🍁🐰

Ipinaliwanag naman ni Ayen sa pahayagan ng kanilang eskwela na hindi niya sinasadya na makopya ang speech ni Hugo.

Humingi naman ito ng paumanhin dahil sa kanyang nagawa.

“I mean not to plagiarize. Naka-relate lang din ako nang sobra noong mapanood ko yung video kaya may mga lines o thoughts ako na nainput, na tumutugma sa ‘Lang video’,” paliwanag ng Cum Laude na kilalang tagasuporta ni Robredo.

“I am really sorry po. Hindi ko intensiyon na i-plagiarize yung speech niya. Nagkataon lang na same topic yung gusto kong i-address,” dagdag niya pa.

Ibinahagi naman ni Hugo sa social media ang isang cryptic post na tila patama sa nangopya sa kanyang talumpati.

plagiarism 1

“Unintentional or accidental plagiarism is still plagiarism (Bowdoin, 2022; Das, 2018; Duke University, n.d.),” aniya.

Nagkataon na ang thesis pa ni Hugo ay tungkol sa plagiarism at hindi nila inaakala na pati siya ay magiging biktima nito.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular