Home Celebrities James Yap, si Bimby parin ang wallpaper sa phone: “Mahal na mahal niya ‘yung bata”

James Yap, si Bimby parin ang wallpaper sa phone: “Mahal na mahal niya ‘yung bata”

0

Ibinulgar ng kolumnista na si Cristy Fermin na hanggang ngayon ay si Bimby Aquino-Yap parin ang wallpaper sa cellphone ni San Juan City Councilor at dating PBA star na si James Yap.

Ayon kay Nay Cristy ay hindi naman maitatago na mahal na mahal ni James ang kanyang anak kay Kris.

“Alam mo ba na ang telepono ni James Yap ngayon e si Bimby pa rin ang nandu’n sa wallpaper?” pagbabahagi ng kolumnista.

Matatandaan na hindi madalas magkita si James at Bimby dahil narin sa mapait na relasyon ng basketball player sa dati niyang partner na si Kris Aquino.

Naniniwala naman si Cristy na dapat ay mag-usap na si Kris at James tungkol sa visitation rights sa kanilang anak.

Noon daw kasi ay mayroon ng kasunduan ang dalawa ngunit hindi ito natupad.

“Kasi nga’ yung mga naganap nu’ng una, mula nu’ng magkahiwalay sila, ang usapan kasi sa korte, may visitation rights itong si James Yap kay Bimby… Hindi naman natutuloy,” pagbabahagi niya.

“Oo, kasi kapag tumatawag si James du’n sa yaya ni Bimby, ang sinasabi pala sa kanya, ‘Ay hindi ho kami pupwede, hindi niyo pwedeng kunin si Bimby,’” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay nasa Amerika na si Kris upang magpagamot ngunit tila malabo parin na magkita si James at Bimby.

Huling nakita na magkasama sa publiko sila James at Bimby sa libing ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments