HomeSocial MediaBabae na kinopyahan ng speech ng Magna Cum Laude nagsalita: "Unintentional plagirism...

Babae na kinopyahan ng speech ng Magna Cum Laude nagsalita: “Unintentional plagirism is still plagiarism”

Nagsalita na ang babae na diumano’y kinopyahan ng talumpati ng isang Magna Cum Laude mula sa Camarines Sur Polytechnic Colleges.

Matatandaan na umiikot ngayon sa social media ang video kung saan pinagkumpara ang speech ng Magna Cum Laude na si Jayvee Ayen at ang talumpati ni Mariyela Mari Hugo na nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in English sa Far Eastern University noong 2019.

Nagpaliwanag si Ayen na tinawag noon ang kanyang sarili bilang “Fact Checker for Leni-Kiko” na hindi niya sinasadya ang makopya ang talumpati ni Hugo.

Sa kanyang pahayag, sinabi naman ni Hugo na hindi porket hindi ito sinasadya ng magna ay hindi na ito maituturing na ‘plagiarisim’.

“Unintentional or accidental plagiarism is still plagiarism,” sabi ni Hugo.

plagiarism 1

Naglabas naman ng pahayag ang eskwelahan ni Ayen at humingi ito ng paumanhin sa ginawa ng kanilang graduate.

Hiniling din nila na sana’y palagpasin na lamang ang isyu at huwag ng batikusin pa si Ayen.

“With all that has been said and done and on behalf of Mr. Jayvee Ayen, we apologize to Ms. Mariyela Mari C. Hugo for the carefree attitude of Mr. Ayen in unintentionally copying the idea and style of her speech without proper attribution.” wika ng nasabing eskwelahan.

“We apologize to all other individuals and entities who may have been offended and affected by this issue. We knock on the generosity of hearts of everyone to allow this to pass without hatred towards the person as he moves on to start a career in his life as an entrepreneur or whatever path he would wish,” dagdag pa nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular