HomeCelebritiesAnnabelle Rama, tila wala na sa mood na makipagtalo kay Rowena Guanzon:...

Annabelle Rama, tila wala na sa mood na makipagtalo kay Rowena Guanzon: “No comment!”

Tila wala sa mood na makipag-bardagulan ngayong araw ang talent manager na si Annabelle Rama kay P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon.

Sa Instagram story na ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang moments nila ng kanyang ina na mahahalata na hindi maganda ang mood.

“She’s not in the mood LOL,” caption ni Ruffa sa kanyang story.

Ilang beses tinanong ng aktres ang kanyang ina kung ano ang masasabi niya kay Guanzon ngunit tumanggi na itong maglabas ng pahayag.

Tila wala naman balak tawagin ang aktres si Guanzon na “congresswoman” katulad ng hiling ng dating COMELEC commissioner.

READ MORE: Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Tawagin mo akong Congresswoman!

“Ma anong message mo kay Guanzon? That girl Guanzon,” tanong ng aktres.

“Hay nako. No comment.” sabi ng talent manager na kilala sa kanyang maanghang na pananalita.

Matatandaan na hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil si Guanzon sa pagpaparinig kay Ruffa at umabot na nga sa Metro Manila Film Scam na kinasangkutan ng aktres ang isyu.

Tingin naman ng ilang tagasuporta ni Ruffa, may kinalaman sa pagiging Imelda Marcos ng aktres sa pelikulang Maid in Malacañang ang pang-iintriga na ginagawa sa kanya ni Guanzon.

Pinag-aaralan narin ng kampo ni Ruffa ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling balita laban sa kanila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular