HomeCelebritiesAbogado, ni-lecturan si Rowena Guanzon: "It is the partylist that was elected...

Abogado, ni-lecturan si Rowena Guanzon: “It is the partylist that was elected and NOT you.”

Isang abogado ang itinama ni P3PWD Party-list Rep. Rowena Guanzon matapos sabihin ng kongresista na isa siyang “elected official”.

Matatandaan na sa gitna ng pakikipagtalo ni Guanzon sa social media ay sinabi niya na hinalal siya ng bayan kaya’t hindi maaring sabihin na laos na siya.

guanzon tweet
Tweet mula kay Rowena Guanzon @rowena_guanzon

Ngunit ayon kay Atty. Bruce Rivera ay hindi maaring tawaging “elected official” si Guanzon dahil sa isa itong party-list representative.

“MALI PO, CONG. Akala ko ba Comelec Commissioner ka. Dapat alam mo ito. You are NOT the elected official. It is the partylist that was elected and NOT you.” paliwanag ni Rivera.
“The concept of the partylist is representation. Ang binoto┬áng botante ang┬ápartido at hindi ikaw. Hindi din ang leeg mong morena. Kaya nagkapeste ang partylist sa Pilipinas, akala ng mga nominees nila, they have the mandate.” dagdag niya pa.
Hinamon din ni Rivera na tumakbo si Guanzon gamit ang kanyang pangalan at hindi ng party-list.
“Subukan mo kayang tumakbo gamit ang mukha mo. Tignan natin kung mananalo ka.
Yabang mo. Mali mali naman ang konsepto.” sabi pa ng abogado.
screencap 2022 07 13 at 9.06.11 PM
Hindi pa nagbibigay ng tugon sa ngayon si Guanzon na abala ngayon sa pakikipag “bardagulan” sa mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular