Home Celebrities Ruffa Gutierrez may cryptic tweet tungkol sa mga “asal kanto” na nakapag-aral sa mga mamahaling eskwelahan

Ruffa Gutierrez may cryptic tweet tungkol sa mga “asal kanto” na nakapag-aral sa mga mamahaling eskwelahan

0

Sa gitna ng mga akusasyon laban sa kanya ni dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner at P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon ay nag-post ng isang cryptic tweet ang aktres na si Ruffa Gutierrez.

Matatandaan na tinanong ni Guanzon si Gutierrez kung totoo ba na hindi maganda ang turing nito sa mga kasambahay niya.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Gutierrez ang kanyang natutunan sa gitna ng isyu na kanyang kinakaharap ngayon simula ng tanggapin niya ang kontrobersyal na role bilang Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang.

Ayon kay Gutierrez ay tila hindi mababago ng magagandang eskwelahan ang ugali ng isang indibidwal.r

Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag aralan nga, asal kanto naman.Gosh…” sabi ni Ruffa.

Hindi naman maganda ang naging tugon ng mga Twitter user kay Gutierrez na ang karamihan ay nag-aral sa mga magagandang eskwelahan.

“Meron dyang galing sa kaban ng bayan ang perang ginastos para sa pg aaral. Ang ending nagiging college dropout pa.” sabi ni @hellomy2ndacct.

“Inaano ka ba ng mga taga kanto??? Porket nasa exclusive village ka nakatira. Let’s retire this thoughts,” komento ni @ZOOMicron.

Ngunit may ilan naman na nagbigay ng opinyon kung ano nga ba talaga ang depinisyon ng “asal kanto”.

“Having attended elite universities does not guarantee good manners. Same goes to those who have not. “Asal kanto” is just a state of mind, a product of one’s perception about how other people do not conform to your standards,” sabi ni @alertus2magnus.

 

Facebook Comments