HomeCelebritiesPatama kay Ruffa? Rowena Guanzon nagsalita tungkol sa isang aktres na nanalo...

Patama kay Ruffa? Rowena Guanzon nagsalita tungkol sa isang aktres na nanalo ng award dahil sa “scam”

Muling nag-post ng patama si P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon laban sa mga nanalo diumano ng “award” dahil sa scam.

Ito’y sa gitna ng painit ng painit ang parinigan sa pagitan ni Guanzon at ng aktres na si Ruffa Gutierrez.

Nakisali narin pati ang ama ni Gutierrez na si Annabelle Rama.

“Hindi lahat ng nanalo ng award magaling, yung iba scam.Gosh,” ani Guanzon.

screencap 2022 07 12 at 8.50.47 PM

Hindi man binanggit ni Guanzon ang pangalan ng indibidwal na kanyang pinapatamaan ay tila madali naman itong nahulaan ng mga netizens dahil narin sa kanyang “gosh” na laging binabanggit ni Gutierrez.

Matatandaan na noong 1994 din ay naging parte ng isa sa mga pinakamalaking kontrobersiya sa kasaysayan ng showbusiness si Gutierrez na tinaguriang “Manila Film Festival scam”.

Nakuha kasi ni Gutierrez at ng katambal nito na si Gabby Concepcion bilang best actress at best actor sa MMFF sa pelikulang Loretta.

Ngunit ibinuking ni Gretchen Barretto na isa sa mga host noong araw na ‘yon na dahil sa hindi diumano si Gutierrez at Concepcion ang nanalo ng nasabing award.

Ang diumano’y totoong nanalo ay sina Edu Manzano para sa pelikulang Zacarias habang best actress naman ay si Aiko Melendez para sa Maalala Mo Kaya: The Movie.

mmff scam

Dito na nag-umpisang magkagulo at ilang araw ding pinag-usapan ang nasabing isyu na diumano’y ang may pakana ay ang talent manager at kolumnista na si Lolit Solis.

Ibinalik naman ni Gutierrez ang nasabing award ngunit hindi nawala ang gigil ng mga tao sa aktres.

Makikita sa isang video na inilabas ng AP ang pagsigaw at pag-iyak noon ni Gutierrez sa isa sa mga press conference.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Gutierrez sa panibagong patama sa kanila ni Guanzon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular