HomeCelebritiesJay Sonza, may mensahe kay PBBM: "Zip Clarita Carlos' mouth once in...

Jay Sonza, may mensahe kay PBBM: “Zip Clarita Carlos’ mouth once in a while”

Tila kontra din ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza sa pagkakatalaga kay dating University of the Philippines (UP) Prof. Clarita Carlos bilang National Security Adviser ng kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sonza ang kanyang mensahe kay Pangulong Bongbong Marcos kung saan ay hiniling nito na patahimikin na muna si Carlos sa pagsasalita lalo na pagdating sa paksa tungkol sa New People’s Army (NPA).

“It would do well for Mr. Marcos to zip Clarita Carlos’ mouth once in a while, especially on matters related to the NPA.” ani Sonza.

“Mr. President, kaming mga taga-nayon at parang ay malapit ng maniwala na maling-mali ang pagkakapili at pagkakahirang mo kay Ms. Carlos bilang punong tagapayo sa larangan ng pambansang seguridad.” dagdag pa niya.

screencap 2022 07 12 at 9.53.36 PM

Ito rin ang hiling ng mga followers ng mamamahayag.

“The Prof MUST (learn how to) decline interviews. She’s talking too much and too loose ( considering her position)” sabi ni Keisza Elizabeth.

“Agree…there are times when opinions and views on things matter but there are also times when opinions should be discussed privately and limit what comes out of the mouth especially when present position ask for it. Gone are the times when one can express freely what’s on the mind. This time one has to learn how much of what’s in the mind one has to share…” opinyon naman ni Lina Ocampo.

Matatandaan na naging kontroberyal ang isa sa mga pahayag ni Carlos tungkol sa mga nangyayari diumanong recruitment ng NPA sa mga paaralan.

Ayon kasi kay Carlos ay karapatan ng mga estudyante na piliin ang tatahakin nilang landas.

“As young adults, they choose which path to take, and take responsibility for their choices,” sabi ni Carlos.

carlos 1

Pero nilinaw naman ni Carlos na hindi nila bubuwagin ang NTF-ELCAC na siyang lumalaban sa NPA.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular