HomeCelebritiesGiselle Tongi, tinawag na "bayaran" ang mga bumabatikos sa kanya: "It will...

Giselle Tongi, tinawag na “bayaran” ang mga bumabatikos sa kanya: “It will not stop me in standing up!”

Naniniwala ang dating aktres na si Giselle “G” Tongi na binayaran ang mga bumabatikos sa kanya ngayon matapos niyang ipagmalaki ang kanyang pagpunta diumano sa People Power Revolution noong 1986 sa edad na walong taong gulang.

Sa kanyang tweet, naniniwala si Tongi na galing lamang sa iisang makinarya ang bumabatikos sa kanya dahil sa kontra siya sa mga gustong baguhin ang kasaysayan.

Ikinakalungkot naman niya na kailangan siyang batikusin ng ilang Pilipino dahil parte diumano ito ng trabaho nila bilang ‘troll’.

“The troll machinery for any kind of dissent against authoritarian regimes continues in the Philippines. I feel bad for people that need to do this kind of work to make a living. It however will not stop me in standing up for the truth about our history. Don’t rewrite history!” ani Tongi.

screencap 2022 07 12 at 9.39.51 PM
tweet mula kay @gtongi

Matatandaan kasi na ikinalat ng ilang netizens ang isang lumang artikulo mula sa Inquirer kung saan ay nakalagay na 15 anyos na siya nakarating sa Pilipinas, kabaligtaran ng sinasabi niya.

Ibinahagi naman niya ang isang larawan na magpapatunay na nasa Maynila na siya noong panahon ng People Power.

Hindi lamang si Tongi ang nag-akusa sa mga bumabatikos sa kanila na bayaran.

Noong Abril ay inakusahan din ng ina ni Gab Valenciano na si Angeli Pangilinan na binayaran ang mga bumabatikos sa kanyang anak noong kampanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular