Home Celebrities Gary Valenciano, humingi ng tulong sa Panginoon: “Please come, heal and restore my voice”

Gary Valenciano, humingi ng tulong sa Panginoon: “Please come, heal and restore my voice”

0

Ibinahagi ng nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ang kanyang kinakaharap na malaking pagsubok na maaring makaapekto ng lubos sa kanyang malaking proyekto.

Sa kanyang tweet, humingi ng tulong sa Panginoon si Valenciano dahil sa ilang linggo ng hindi maganda ang kalagayan ng kanyang boses at hindi ito maaring magtagal lalo na’t may paparating siyang trabaho.

“Lord…you know I’ve been struggling with my voice and throat for weeks now…’Joseph the Dreamer’ in in 8 days. I need your help Lord. Thank you for your faithfulness. I know you will never put me to shame. Pls come, heal, and restore my voice. In your name Jesus I pray…Amen,” ani Valenciano

Mabuti na lamang daw at matapos ang dalawang araw ay umayos na ang boses ni Valenciano sa tulong narin ng pagdarasal ng mga netizens at herbal.

“Lord Jesus!!! Thank you, thank you. You have been answering the prayers of so many who have prayed for me and my voice. Tonight’s event was miraculous. Yes Lord…I know you will see me through Joseph The Dreamer. My voice is coming back!!! Thank You Lord!!! I love you,” update ni Mr. Pure Energy.

Ipinatingin niya rin ang kanyang lalamunan sa doktor at naging positibo naman ang resulta ng kanyang check-up.

“I wanted to share some good news. Just came from the doctor who checked my throat and my vocal cords. He saw a significant improvement on them. God is good!!!” aniya.

Facebook Comments