HomeCelebritiesErwin Tulfo, ibinuking na 1-M beneficiary ng 4Ps ang mawawala na sa...

Erwin Tulfo, ibinuking na 1-M beneficiary ng 4Ps ang mawawala na sa listahan

Ibinunyag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na mahigit isang milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang matatanggal sa listahan nila.

Ang 4Ps ang conditional cash transfer program na nagbibigay ng salapi sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa.

Ngunit naging kontrobersyal ito dahil narin sa mga balita na hindi lahat ng nagiging benepisyaryo ng 4Ps ay mahihirap.

Ilang benepisyaryo din ng 4Ps ang nahuli na ginagamit ang kanilang natatanggap na tulong sa walang katuturang bagay katulad ng sugal.

“Wala pa akong exact figure pero initially ang sabi sa akin ay halos isang milyon ang aalisin natin sa listahan,” ani Tulfo.

4ps gambling
Mga 4Ps beneficiary na nahuling nagsusugal

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Tulfo na tinitingnan nila kung nakaangat na ba sa buhay ang mga lumang benepisyaryo ng 4Ps upang maibigay ang slot nila sa mga bagong nangangailangan.

Sa ngayon ay nasa 4.4-M na Pilipino ang natutulungan ng 4Ps at nagkakahalaga ito ng bilyon bilyon piso upang mapondohan.

Mayroon din siyang uumpisahang programa kung saan ay maari ng isuko ng mga benepisyaryo ang kanilang 4Ps slot kung sa tingin nila ay hindi na sila kailangan pang makatanggap ng tulong sa gobyerno.

Kung hindi naman sila aamin ay maari silang maharap sa kasong estafa.

“Kasi parang estafa ‘yan kasi niloloko mo ang gobyerno,” sabi ni Tlulfo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular