HomeCelebritiesCristy Fermin sinabihan si Kris Aquino na huwag ibaling sa kanya ang...

Cristy Fermin sinabihan si Kris Aquino na huwag ibaling sa kanya ang galit nito kay Philip Salvador at James Yap

Nagbigay ng prangkang mensahe ang kolumnista na si Cristy Fermin para kay Kris Aquino na diumano’y nagpadala sa kanya ng maanghang na mensahe kahit na nasa Amerika na ito at nagpapagamot.

Sa kanyang programa, tinanong ni Nay Cristy si Kris kung bakit ibinaling sa kanya ng television host ang galit nito sa kanyang mga dating partner na sina James Yap at Philip Salvador.

“Ano ang motibo mo para ibagsak mo sa akin ang lahat ng sama ng loob mo kay Philip Salvador at kay James Yap? Kawalan ng komunikasyon? Hindi ko problema ‘yan. Hindi tinatawagan ng dating karelasyon mo ang dalawang anak niyo? Lalong hindi ko problema ‘yan.” sabi ng kolumnista.

“Bakit ako, ako ba ang nakarelasyon mo? Ako ba ang nakapareho mo sa paglipad sa kaligayahan? Never!” dagdag niya pa.

“Si Kuya Ipe ‘yan at si James Yap. Kung nakaya mo na makipagrelasyon at magmahal, Kris, hindi lang laway ang nilulunok. Pati ang pride,” 

Hinimok din nito si Kris na kung maari ay kausapin na niya ang ama ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby bago pa mahuli ang lahat.

“Kung totoo na ang iyong mga malasakit ay sa mga anak mo, kausapin mo ang mga tatay nila. Ikaw mismo ang dumiretso.” aniya.

Hindi naman ibinahagi ni Cristy ang eksaktong mensahe sa kanya ng host.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular