Home Celebrities Cristy Fermin, inamin na magpapahinga muna sa social media dahil sa bukol niya sa lalamunan

Cristy Fermin, inamin na magpapahinga muna sa social media dahil sa bukol niya sa lalamunan

0

Isang Linggo na mawawala sa social media angkolumnista na si Cristy Fermin dahil sa kinakailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon.

Sa kanyang programang “Showbiz Now Na” inamin ni Fermin ang kanyang kasalukuyang kalagayan na nangangailangan na masolusyunan.

Ayon kay Fermin ay mayroon siyang polyps o bukol sa lalamunan na nagdudulot ng pagbabago sa kanyang boses.

Sa kabutihang palad ay hindi masyadong malala ang kondisyon ng kolumnista at madali lamang ang operasyon na gagawin sa kanya.

“Oo anak, ‘yan talaga ang tinanong ko rin, sabi ng doktor, e, sandali lang naman daw,” wika niya.

“Baka hindi na kayanin, kasi di ba ‘yung laser ipapasok dito (lalamunan) tapos, e, parang hindi ganu’n ang gagawin.” tugon niya ng tanungin kung gagamitan ba ng laser ang kanyang operasyon.

Iniisip naman ni Fermin kung sino ang maaring maging kapalit niya habang wala siya.

Hindi naman niya nakalimutan magpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang programa.

“Marami kaming dapat pasalamatan, unang-una ang mga subscribers namin na walang sawang nanonood lalo na sa ibang bansa kasi magkakaiba ang oras na talagang inaabangan nila.” ani Fermin.

“Tapos sa lahat ng mga anak-anakan kong reporters na nanonood din at isinusulat naman ito sa kani-kanilang mga kolums, mga ibang vloggers na dinadampot sa kanilang YouTube at talagang napag-uusapan ang bawa’t topic namin dito kaya lagi kaming nagpapasalamat talaga sa bawa’t episode namin,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments