HomeCelebritiesAbogado ni Ruffa Guttierez handang magsampa ng kaso: "This is a smear...

Abogado ni Ruffa Guttierez handang magsampa ng kaso: “This is a smear campaign to our client”

Pinag-aaralan na ng mga abogado ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng pekeng balita laban sa kanilang kliyente.

Sa inilabas na pahayag ni Atty. Bryant Gamonnac Casiw, tinawag nilang ‘fake news’ ang isyu na ipinapakalat tungkol sa diumano’y pagpapalayas ni Gutierrez sa dalawa niyang kasambahay na ni-rescue ng kaibigan ni P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon.

Naniniwala sila na binibigyan lamang ng isyu ang kanilang kliyente dahil sa gumaganap ito sa isang kontrobersyal na role bilang Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang.

“Contrary to fake news peddled on social media, our Client NEITHER FIRED the Helpers NOR REFUSED TO PAY their remaining pay for six days. In fact, it was the Helpers who quit and insisted that they leave the house immediately without complying with clearance requirements of the village association.” wika ng abogado.

“This fake news is a black propaganda / smear campaign against our Client as she is playing the character of former First Lady Imelda Marcos in an upcoming movie.” dagdag niya pa.

Lumabag din diumano ang mga dalawang kasambahay sa kanilang pinirmahan na “non-disclosure and working agreement”.

Aayusin naman ng kampo ni Gutierrez ang isyu sa pribadong paraan.

“Our Client has always been very generous with, and compassionate to, those who work for and with her, giving them bonuses and tips for extra hours worked. Most of her helpers have been with her family for 13 to 35 long years now and they can vouch that our Client treats helpers with fairess, care, love, and respect that they deserve. She considers helpers as part of her family.” aniya.

bgc law

Nagbigay naman ng maiksing mensahe si Guanzon sa gitna ng posibleng pagsasampa ng kaso sa kanya nila Gutierrez.

“Kelan pa ako naging purveyor of fake news ? Attorney (who?) baka ka ma disbar. Careful…” sabi ng dating COMELEC commissioner.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular