Home Celebrities Toni Gonzaga, nakatakdang magkaroon ng sariling talk show sa ‘AMBS’ ni Manny Villar

Toni Gonzaga, nakatakdang magkaroon ng sariling talk show sa ‘AMBS’ ni Manny Villar

0

Nakatakda diumanong magkaroon ng isang sariling talk show ang aktres na si Toni Gonzaga sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ni Manny Villar.

Sa impormasyon na nakuha ni Ogie Diaz, sinabi nito na ang AMBS na ngayo’y nagmamay-ari na ng channel 2 na dating frequency ng ABS-CBN ay inalok si Toni na maging parte ng kanilang network.

Maliban sa talk show ay magiging parte rin ito ng isang noontime show na itatapat ng AMBS sa Eat Bulaga at It’s Showtime.

Posible rin diumano na magkaroon ng mataas na posisyon ang aktres sa nasabing istasyon na tila maipapareha kay Charo Santos.

Napabalita na tatlong sinehan sa Star Mall ang magiging studio ng mga programa ng AMBS.

“Sino kaya ang mga nandoon sa noontime show na iyon? Yun ang ating aalamin. Pero feeling ko lang, kasi nandiyan na si Korina Sanchez,” sabi ni Ogie.

Ngunit ilang balita rin ang kumakalat na maaring magkaroon ng posisyon si Toni sa PTV4 lalo na’t malapit sila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Toni at sa AMBS kung totoo nga ba ang mga balita tungkol sa aktres.

Facebook Comments