Home Celebrities Rowena Guanzon, may tugon matapos banatan ni Annabelle Rama: “Pinapasweldo ko ng maayos kasambahay ko!”

Rowena Guanzon, may tugon matapos banatan ni Annabelle Rama: “Pinapasweldo ko ng maayos kasambahay ko!”

0

Tila may tugon na si P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon sa banat sa kanya ng talent manager na si Annabelle Rama.

Matatandaan na pinatamaan ni Rama si Guanzon dahil sa akusasyon ng kongresista tungkol sa pagtrato ni Ruffa Gutierrez sa kanyang mga kasambahay.

Tinanong kasi ni Guanzon si Gutierrez kung bakit lumayas ang dalawa nitong kasambahay.

Dahil dito ay tinawag na “chismosang marites” ng talent manager ang nagpapakalat ng isyu tungkol sa kanyang anak.

“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!” ani Rama.

“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??” dagdag pa niya.

Nag-post naman sa kanyang Facebook page si Guanzon ng ilang mga mensahe.

“No, thanks! pinapasuweldo ko ng maayos ang mga kasambahay namin.” wika ni Guanzon na dating COMELEC commissioner.

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot si Rama sa tugon ni Guanzon.

Inaasahan naman ng mga netizens na hindi basta basta matatapos ang ‘bardagulan’ sa pagitan ng dalawa lalo na’t kilala si Rama sa kanyang hindi pag-atras sa mga nakaka-away niya.

 

Facebook Comments