Home Celebrities International relations expert kay G Tongi: “Patunayan mo na fake news ang Inquirer”

International relations expert kay G Tongi: “Patunayan mo na fake news ang Inquirer”

0

Hinamon ng isang international relations expert ang dating Filipino-American actress na si Giselle Tongi na patunayan na pekeng balita ang inilabas ng Inquirer sa kanya.

Matatandaan na ipinagmalaki ni Tongi ang kanyang paglahok sa EDSA People Power Revolution noong 1986 sa edad niyang 8-anyos.

“I would ❤️ to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who r part of a history you are dismissing as here say.” sabi ni Tongi.

Ngunit lumabas sa isang lumang artikulo ng Inquirer na 15-anyos na nakarating at tumira sa Pilipinas si Tongi.

“Giselle was born in France to a Swiss father and a Filipino mother. She was raised by her mom in New York and came to live with her in Manila when she was 15.” ayon sa artikulo ng Inquirer.

Sa kanyang live video, hinamon ni Sass Rogando Sasot si Tongi na patunayan na nagpakalat ng maling impormasyon laban sa kanya ang Inquirer na isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang pahayagan sa bansa.

Hindi rin daw tama na awayin ni Tongi ang mga netizens na naniwala sa artikulo ng nasabing pahayagan dahil sa pinagkakatiwalaan naman ito at hindi kilala sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

“Bakit ‘yung mga nagbasa ng Inquirer ‘yung mali?” tanong ni Sasot. “Diba dapat ang mali ay ang Inquirer kasi sila ang nagsulat na ikaw ay tumira lamang sa Pilipinas at 15 years old.”

Sa ngayon ay wala paring pahayag ang Inquirer kung totoo nga ba na mali ang impormasyon na inilagay nila sa artikulo nila tungkol kay Tongi.

 

Facebook Comments