Home Celebrities Bardagulan na! Annabelle Rama kay Rowena Guanzon: “Huwag ka maging chismosang marites!”

Bardagulan na! Annabelle Rama kay Rowena Guanzon: “Huwag ka maging chismosang marites!”

0

Tulad ng inaasahan ay pumalag ang talent manager na si Annabelle Rama kay P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon matapos akusahan ng kongresista si Ruffa Gutierrez na nagpapalayas ng mga kasambahay nito.

Sa kanyang post, binatikos ni Rama ang nang-iintriga sa kanyang anak na gumaganap bilang Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang.

“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!” ani Rama.

“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??” dagdag pa niya.

Screencap ng post mula sa Facebook page ni Annabelle Rama

Hindi man pinangalanan ni Rama ang kanyang pinapatamaan ay alam naman ng mga netizens na si Guanzon ang binabangit nito.

Inaabangan naman ng mga netizens ang magiging tugon ni Guanzon sa talent manager na kilala sa hindi pag-atras sa pakikipagtalo kahit na umabot pa ito sa korte.

Nitong Hulyo 8 nag umpisa ang isyu matapos tanungin ni Guanzon si Gutierrez tungkol sa mga kasambahay nito na ni-rescue ng diumano’y kaibigan niya.

“My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first-class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?” tanong Guanzon kay Ruffa.

Tweet mula kay Rowena Guanzon

Itinanggi naman ito ng aktres at sinabi na hindi maganda ang pakikitungo ng kanyang mga bagong kasambahay sa kanilang mayordoma.

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.” paliwanag ni Gutierrez.

Sumagot naman si Guanzon at sinabi na dapat ay tawagin siyang “congresswoman” ni Gutierrez.

“That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’. Hahaha!” sabi ng mambabatas.

“You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan,” dagdag niya pa.

Facebook Comments