HomeCelebritiesArnold Clavio may tilamsik: "Walang puwersa na maaaring magpabago sa kasaysayan,"

Arnold Clavio may tilamsik: “Walang puwersa na maaaring magpabago sa kasaysayan,”

Nagbigay ng kanyang opinyon ang beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio tungkol sa pelikulang Maid in Malacañang ni Darryl Yap.

Ang nasabing pelikula ang tungkol diumano sa 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacañang bago sila mapatalsik ng taumbayan noong 1986.

Ilan sa mga ibinahagi ni Yap ay ang larawan na kuha sa nasabing pelikula kung saan makikita ang mga sumugod noon sa Malacañang na may dala dalang sulo.

Ngunit ayon kay Clavio ay pekeng balita ito dahil siya mismo ay nasa Malacañang ng sinusugod ng taumbayan ang mga Marcos.

“Maliwanag na di niya personal na ito ay nasaksihan . At ang bersyon niya ng pag-atake ng mga tao sa Malakanyang ay depende sa kung sino ang nakausap niya o nagbigay sa kanya ng impormasyon.” wika ni Clavio.

“Kung sinuman ang nagkuwento nito kay Yap ay isang malaking kasinungalingan.  
Bakit ? WALA NI ISA MAN SA LUMUSOB SA PALASYO NOONG GABING IYON ANG MAY DALANG SULO !!! FAKE NEWS ? Maliwanag pa sa bolang kristal . Hindi ito isang MAKATOTOHANAN na istorya . At kung ipipilit itong isama sa pelikula ni Yap, mawawalan ng saysay ang nais nilang iparating sa publiko – ang bersyon sa panig ng pamilya Marcos.” dagdag niya pa.

“Bakit ko alam at handang panindigan ? AKO MISMO ay nandoon ng gabing iyon. Isa ako sa maraming nakapasok sa palasyo . Isa ako sa libu-libong naging bahagi ng kasaysayan.” kwento niya pa.

Sinabi pa ni Clavio na hindi magiging matagumpay ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagkaisahin ang mga Pilipino kung may mga tao katulad ni Yap na nakapaligid sa kanya.

“Hindi magtatagumpay si Pangulong Marcos na ‘pagkaisahin’ ang mamamayang pilipino kung may ilan sa kanyang paligid ang ipipilit na baguhin ang kasaysayan . Lalo lamang itong magdudulot nang pagkakahati-hati ng mga pilipino.” wika niya.

Ibinahagi din ni Clavio ang ilan sa mga larawang kuha ng gabi ng pagsugod ng mga tao sa Malacañang at ikinumpara ito sa larawan na ibinahagi ni Yap.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang direktor sa banat sa kanya ni Clavio.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular