Home Celebrities Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Tawagin mo akong Congresswoman!

Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Tawagin mo akong Congresswoman!

0

Tila hindi nagustuhan ni P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon ang paraan ng pagtawag sa kanya ng aktres na si Ruffa Gutierrez.

Sa kanyang tweet, tinuruan ni Guanzon si Gutierrez kung ano ba ang dapat itawag ng aktres sa kanya.

“That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’. Hahaha!” sabi ng mambabatas.

“You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan,” dagdag niya pa.

Matatandaan na nag-umpisa ang isyu matapos tanungin ni Guanzon si Gutierrez kung totoo nga ba na pinalayas ng aktres ang kanyang dalawang kasambahay.

Imbis na congresswoman ay tinawag na “miss” ni Gutierrez ang mambabatas.

READ MORE: Ruffa Gutierrez, itinanggi kay Rowena Guanzon na pinalayas niya ang dalawang katulong niya

Wala pang tugon ang aktres sa panibagong mensahe sa kanya ni Guanzon.

Inaabangan naman kung papalag ba kay Guanzon ang ina ni Gutierrez na si Annabelle Rama na kilala ring palaban.

Gumaganap bilang Imelda Marcos si Gutierrez sa pelikulang Maid in Malacañang.

Samantala ay hindi parin maaring maupo bilang kongresista si Guanzon dahil sa pagpigil sa kanya ng Korte Suprema na maging substitute ng lahat ng mga orihinal na nominee ng P3PWD.

Ito’y matapos ireklamo ng isa pang mambabatas kung bakit pinayagan ng COMELEC si Guanzon na maging last minute substitution ng nasabing party-list.

Facebook Comments