HomeCelebritiesPokwang may mensahe sa mga netizen na nagsasabing "karma" ang hiwalayan nila...

Pokwang may mensahe sa mga netizen na nagsasabing “karma” ang hiwalayan nila ng asawang si Lee O’Brian

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagtatapos ng relasyon ng komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang at asawa nitong si Lee O’Brian matapos ang mahigit pitong taon nilang relasyon.

Matapos kumpirmahin ng talent manager na si Ogie Diaz ang hiwalayan ng komedyante at ng Amerikanong aktor ay inamin narin ni Pokwang ang nangyari sa kanya.

Hindi naman nakapagpigil ang ilang netizens na batikusin si Pokwang na matatandaang aktibo noon sa pagbibigay suporta kay dating Vice President Leni Robredo noong kampanya.

Umabot pa sa punto na mayroon itong kinasuhan dahil sa pamba-bash sa kanya.

Ayon sa pa sa ilang kritiko ay “karma” ito ni Pokwang dahil sa pambabatikos niya sa mga kalaban ni Robredo.

“Kaya pala masyadong bitter ngayon. Pinagkaka-abalahan ang makipag away sa mga pro Marcos. Karma ba yan @itspokwang27.” tanong ng netizen.

“Hindi po karma ang tawag dun nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao! Ikaw kapag namatayan kaba ng kamag anak mo karma agad? G*g* ka!” tugon naman ni Pokwang.

screencap 2022 07 10 at 10.29.01 PM

Ang mahalaga diumano ay hindi magulo ang naging pagtatapos ng relasyon nila ni Lee.

“Ang importante ay hindi kami magkagalit noong maghiwalay kami ni Papang,” wika ng komedyante.

Sa ngayon ay pagtutulungan parin ng dalawa na palakihin ang kanilang apat na taong gulang na anak na si Malia.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular