HomeSocial Media#NasaanAngPangulo at #NasaanAngVP trending sa Twitter: "Robredo helping the people again despite...

#NasaanAngPangulo at #NasaanAngVP trending sa Twitter: “Robredo helping the people again despite being a private citizen”

Nag-trending muli sa Twitter ang #NasaanAngPangulo sa gitna ng bahain ang ilang lugar sa probinsiya ng Ifugao.

Ayon kasi sa ilang netizens ay hindi nila mahanap kung nasaan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kasalukuyang nagpapagaling.

Karamihan sa mga gumamit ng nasabing hashtag ay ipinagmalaki ang Angat Buhay NGO ni dating Vice President Leni Robredo na patunay na kahit wala na sa posisyon ang dating bise ay natulong parin ito sa kanyang kapwa.

Hinahanap din nila si Vice President Sara Duterte na kaalyado ni Marcos.

nasaan pangulo vp

Ito ang ilan sa post ng mga netizens:

“And here goes atty.leni robredo doing the initiative of helping and serving the people again despite being a private citizen and not being in the position. now, nasaan na ang niluklok ng 31m?  #NasaanAngPangulo #NasaanAngVP ??” sabi ni netizen @marialeonor.

“You do not have responsibility to the Philippines anymore. Let the 31M ask help from the current administration instead who are currently nowhere to be found by the way kasi mga tamad. #NasaanAngPangulo #NasaanAngVP,” wika ni @jasper022396.

Ngunit may ilan naman na ipinagtanggol ang kasalukuyang pangulo at sinabi na gumagalaw naman ang mga ahensya ng gobyerno.

“So apparently they gave few food packs. Then suddenly the entire relief operation turned into an Angat Buhay initiative. Not even a credit given to DSWD? may pa #NasaanAngPangulo pa. Angat Buhay was really not made in the essence of bayanihan. its for stroking their ego.” tweet ni @mikeyCortezz.

“Govt action on Ifugao floods:
✅1,500 food packs distributed as of July 9.
✅27,121 food packs prepositioned.
✅DPWH kept roads passable and conducted clearing ops.
✅PNP conducted search and rescue.
#BBMFirst100Days 🇵🇭 #NasaanAngPangulo? Ipa-Tulfo muna namin kayo.” bahagi naman ni @AlfredoGenom.

Sa ngayon ay inaabangan kung magkakaroon ng press conference ang kasalukuyang pangulo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular