Home Celebrities Nagkahalo lang! Sec. Erwin Tulfo, itinanggi na nagbigay sila ng DSWD box sa Angat Buhay

Nagkahalo lang! Sec. Erwin Tulfo, itinanggi na nagbigay sila ng DSWD box sa Angat Buhay

0

Itinanggi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbigay sila ng mga relief boxes sa Angat Buhay NGO na pagmamay-ari ni dating Vice President Leni Robredo.

Nag-umpisa ang isyu sa isang tweet kung saan ay ibinahagi ng Angat Buhay ang isang larawan na kuha sa relief operation na ginawa nila sa Banaue, Ifugao kung saan makikita ang mga kahon na may nakalagay na DSWD.

Ibinahagi din ng ilang pahayagan ang nasabing larawan.

Ngunit ayon kay Tulfo ay hindi sila namimigay ang DSWD ng mga relief boxes sa mga NGO katulad ng Angat Buhay.

“PAGLILINAW… HINDI PO NAMIMIGAY NG MGA FOOD PACKS AT IBA PANG RELIEF ITEMS ANG DSWD SA MGA NGO PARA IPAMIGAY SA MGA TAO DAHIL ITO PO AY LABAG SA BATAS.” ani Tulfo.
“DERECHO PO ANG AMING TULONG SA MGA TAO SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA LGUs.” dagdag pa niya.

Inimbistigahan din ni Tulfo ang nasabing isyu at nalaman nila na pinaghalo ang mga kahon ng DSWD sa mga tulong na ibinahagi ng Angat Buhay.

Matatandaan na inakusahan ng ilang netizens ang nasabing NGO dahil sa tila inaagaw nito ang “credit” ng DSWD na umaksyon sa mga nasalanta ng bagyo sa Ifugao.

Wala pang pahayag ang nasabing NGO tungkol sa isyu.

Facebook Comments