HomeCelebritiesElla Cruz, nagsalita na sa unang pagkakataon: "Ang kasaysayan ay tsismis na...

Ella Cruz, nagsalita na sa unang pagkakataon: “Ang kasaysayan ay tsismis na napatunayan na”

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang aktres na si Ella Cruz matapos itong ulanin ng batikos mula sa mga propesor, celebrities at netizens dahil sa kanyang pahayag tungkol sa kasaysayan.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.” ani Ella sa kanyang kontrobersyal na pahayag sa panayam sa kanya ng isang reporter.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there (was) so much pressure on their side during those times?” dagdag niya pa.

Nitong Hulyo 10 ay lumabas si Ella sa video ni Direk Darryl Yap at dito na napag-usapan ang nasabing isyu.

Kasama rin ni Ella si Senador Imee Marcos.

Sa nasabing short film nilinaw ni Ella na hindi niya sinusubukan na magpanggap na mas maging matalino sa mga eksperto.

“Hindi ko naman sinabi na matalino ako. ‘Di rin naman ako nagmamagaling. Pero nagbabasa naman ako, nag-aaral naman ako at totoo naman na, ang kasaysayan ay tsimis na napatunayan dahil sa ebidensya at sa research,” sabi ng aktres.

Sa ngayon ay umabot na ng milyong views sa social media ang nasabing video at nakakuha rin ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular