Home Celebrities Dating MasterChef contestant, pumalag kay Judy Ann Santos: “Palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral!”

Dating MasterChef contestant, pumalag kay Judy Ann Santos: “Palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral!”

0

Pumalag ang dating MasterChef contestant na si Pebbles Cunanan sa pahayag ng aktres at chef na si Judy Ann Santos.

Ito’y matapos ihayag ni Santos na nahihirapan siyang gumawa ng bagong episode sa kanyang online cooking show dahil sa pagtaas ng bilihin.

“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episode especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala.” paliwanag ng aktres.

“Ayaw kong maka-relate ‘yung viewers sa kung ano mang lutuin ‘yung gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman ‘di ba?” dagdag niya pa.

Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon ay si Cunanan na sinabi na bilang chef ay dapat alam ni Santos kung paano maghanap ng alternatibong sangkap na mas mura para sa kanyang iluluto.

“Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh….” wika ni Cunanan.

“Juday wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school. Ang pagtaas ng mga bilihin normal yan ang hindi normal yung CHEF ka tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puede mong gamiting ingredients sa pagluluto. Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni…chozzzzz,” dagdag niya pa.

Matatandaan na isa sa mga pagsubok ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang patuloy na pagtaas ng bilihin habang bumababa naman ang halaga ng piso kada dolyar.

 

Facebook Comments