HomeCelebritiesCitizen Duterte, namataan sa harapan ng kanyang tahanan sa Davao

Citizen Duterte, namataan sa harapan ng kanyang tahanan sa Davao

Balik sa simpleng pamumuhay si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang anim na taong termino bilang presidente.

Sa isang larawan na ibinahagi ng isa sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ay makikita ang pangulo na namamalagi parin sa kanyang bahay sa Davao City na itinuturing na isa naring tourist spot.

Soot ang kanyang lumang t-shirt, pajama at tsinelas ay makikita ang pangulo kasama si Mayor Sebastian “Baste” Duterte habang tinitignan ang isang bata na nagmo-motor sa harap ng kanyang tahanan.

Nitong Hulyo 2 naman ay kumalat din ang video ng nasabing PSG kung saan makikita ang pagpasok ni Duterte sa kanyang tahanan na maituturing na simbolo ng pagtatapos ng kanyang termino.

@boy_vipguarddriver

SaLamat Tatay Digs… finally going Home as Your term has done… we will never forget u Sir….

♬ Nakakamiss (RODY DUTERTE) – Kill eye

Sa ngayon ay hindi na masyadong naglalabas ng pahayag si Duterte tungkol sa mga isyu ng bansa at mas pinili na hayaan na ang kasalukuyang administrasyon na gawin ang kanilang gusto.

Ang huling mensahe na inilabas ng dating pangulo ay ang kanyang pakikiramay sa dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe.

Ayon naman kay Sen. Christopher “Bong” Go ay pumayag si Duterte na magtrabaho sa kanyang opisina sa senado.

Hindi naman malaman kung may balak pa si Duterte na pumasok muli sa public service o tuluyan na siyang magreretiro.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular