HomeCelebritiesRuffa Gutierrez, itinanggi kay Rowena Guanzon na pinalayas niya ang dalawang katulong...

Ruffa Gutierrez, itinanggi kay Rowena Guanzon na pinalayas niya ang dalawang katulong niya

Mariing itinanggi ni Ruffa Gutierrez ang mga akusasyon ni P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon.

Matatandaan na nitong Hulyo 7 ay binanggit ni Guanzon ang diumano’y pag-rescue ng isa niyang kaibigan sa dalawang kasambahay ni Gutierrez na diumano’y pinalayas ng aktres.

“My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first-class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?” tanong Guanzon kay Ruffa.

Sinagot naman agad ni Gutiererz ang tanong ni Guanzon at sinabi na nagkaroon ng isang sitwasyon sa kanilang bahay kung saan ay napilitan silang paalisin ang dalawang kasambahay.

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe,” sagot ng aktres.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years),” dagdag niya pa.

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

Gumaganap bilang Imelda Marcos si Gutierrez sa nasabing pelikula ni Darryl Yap.

Nilinaw naman niya na kagustuhan na ng dalawa niyang kasambahay na umalis sa kanyang poder at hindi siya nagkulang sa kanyang responsibilidad bilang amo nila.

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga. My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po,” sabi ng aktres.

Sa ngayon ay hawak na ng kanyang mga abogado ang isyu.

ruffa 1

Hindi na nagbigay pa ng tugon si Guanzon sa sagot ni Ruffa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular