HomeCelebritiesPokwang at asawang si Lee O'Brien, hiwalay na

Pokwang at asawang si Lee O’Brien, hiwalay na

Usap-usapan ngayon sa social media ang hiwalayan diumano ng komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang “Pokwang” at ang asawa nitong Amerikano na si Lee O’Brien.

Kinumpirma ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang hiwalayan ng dalawa matapos ang kanilang mahigit pitong taong relasyon.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Ogie na noong 2021 pa hiwalay ang dalawa.

“Last November 2021 pa ay wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’Brian.” sabi ng talent manager.

Nagdesisyon naman ang dalawa na papasok sila sa “co-parenting” sa kanilang anak na si Malia na ngayon ay apat na taong gulang na.

malia pokwang 1

Hindi naman ibinahagi ni Ogie ang naging dahilan ng hiwalayan ni Pokwang at Lee ngunit nagbigay ito ng kaunting clue.

“Sa totoo lang masalimuot,” aniya.

Hindi naman daw masyadong apektado si Pokwang ng hiwalayan nila.

“Sanay naman ako nag-iisa noon pa naman, di ba? Alam mo iyan. Kilala mo ako. Ang importante sa akin mga anak ko. Basta kasama ko yung mga anak ko, ‘ke may partner o wala…’” wika ni Pokwang ayon kay Ogie.

Ilang netizens naman ang nagtatanong kung may kinalaman ba sa lovelife ni Pokwang kung bakit tila nagiging palaban ito sa kanyang mga post sa social media.

Matatandaan na kamakailan lang ay binatikos nito ang kasamahan niya dati na si Ella Cruz dahil sa komento ng aktres tungkol sa kasaysayan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular