Home Celebrities Mapaglarong kapalaran! Kolumnista, inalala ang panglalait ni Vice Ganda sa TV5: “Ngayon nakikipayong nalang sila,”

Mapaglarong kapalaran! Kolumnista, inalala ang panglalait ni Vice Ganda sa TV5: “Ngayon nakikipayong nalang sila,”

0

Inalala ng kolumnista na si Cristy Fermin ang panglalait noon ng komedyanteng si Vice Ganda sa TV5 na ngayon ay magiging istasyon na ng kanilang programang “It’s Showtime”

Sa kanyang programa, inalala ni Nay Cristy ang naging pahayag ni Vice sa kanyang programa noong ‘Gandang Gabi Vice’ kung saan ay ginawa nitong katatawanan ang popularidad ng TV5.

Tila umikot kasi ang gulong ng tadhana dahil ang nilalait ng komedyante na istasyon ang kanilang magiging tahanan dahil sa bigo paring makakuha ng prangkisa ang ABS-CBN.

“May nagpaalala sa akin, ‘Tignan mo sis, kung gaano maglaro ang kapalaran.’ Nung naging guest ni Vice Ganda si Alex Gonzaga sa GGV, sinabi niya na parang naghihiraman lang naman sila ng damit ng Ate Toni niya. Ang sabi ni Vice, ‘Okay lang, hindi naman napapansin ‘yan dahil wala namang nanonood sa inyo. Sa station n’yo,’” kwento ng kolumnista.

“’Yung nilait-lait mong istasyon, siya mo palang magiging bahay ngayon.’ ‘Yan ang mga komentong natatanggap natin,” sabi niya pa.

“Mahirap pong magsalita ng tapos, mga kapatid. Hindi po natin alam ang galaw ng kapalaran. Sino po ba ang mag-aakala na mawawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pinakamalaki silang network. Sino po ba ang mag-aakala na ngayon ay nakikipayong lamang sila, nakikililim dito sa TV5 at A2Z na namomroblema pa ngayon,” dagdag niya pa.

Matatandaan na naging balita noon ang paglipat ni Vice sa TV5 na itinanggi ng komedyante.

 

Facebook Comments