Home Celebrities Ano ba talaga? Netizens, napansin ang isang artikulo kung saan nakalagay na 15-anyos na ito ng tumira si G Tongi sa Manila

Ano ba talaga? Netizens, napansin ang isang artikulo kung saan nakalagay na 15-anyos na ito ng tumira si G Tongi sa Manila

0

Inuulan ngayon ng batikos ang dating aktres na si G Töngi dahil sa kanyang diumano’y nakakalitong kwento tungkol sa kanyang tweet laban kay Ella Cruz.

Matatandaan na sinabi ni Tongi sa kanyang tweet na sumali siya sa People Power Revolution noong 1986 sa edad na walong taong gulang.

“I would ❤️ to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who r part of a history you are dismissing as here say.” sabi ni Tongi.

“Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!” dagdag pa nito.

Ngunit ilang netizen ang ibinahagi ang isang artikulo mula sa pahayagang Inquirer kung saan ay sinabi naman nito na 15-anyos na siya nakarating sa Manila.

“Giselle was born in France to a Swiss father and a Filipino mother. She was raised by her mom in New York and came to live with her in Manila when she was 15.” ayon sa artikulo ng Inquirer.

Tila hindi naman nagustuhan ni Tongi ang paglabas ng lumang artikulo dahil sa lumalabas na nagsinungaling siya sa kanyang tweet.

Sinabi nito na mali ang impormasyon na inilabas ng Inquirer na isa sa mga pinakamalaking pahayagan sa bansa.

Binatikos niya din ang mga naniwala sa artikulo ng Inquirer.

“Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque. Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga t*ng*!” banat ni Tongi.

Wala pang pahayag ang Inquirer sa akusasyon ni Tongi.

Facebook Comments