Home Celebrities Janno Gibbs, binatikos ang mga netizens na sinasabing isinumpa ang pamilya Aquino

Janno Gibbs, binatikos ang mga netizens na sinasabing isinumpa ang pamilya Aquino

0

Hindi maitago ni Janno Gibbs ang pagkamuhi sa mga netizens na tinatawag na “sumpa” ang nangyayari ngayon sa pamilya Aquino.

Matatandaan na tatlong miyembro na ng mga Aquino ang pumanaw at sa ngayon ay humaharap naman sa malubhang sakit ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Janno ang mga screencap ng mga post ng mga netizens na tila sinasabing isinumpa ng langit at lupa ang pamilya Aquino kaya’t nagkakaroon sila ng mga malalang sakit.

Isa sa mga screencap na ipinakita niya ay ang post ni Atty. Nick Nañgit kung saan ay nakalagay ang mga salitang “Ang dalawang pamilyang umukit ng ating kasaysayan.”

Makikita sa itaas na larawan ang puntod ng mga Aquino at kasalukuyang kalagayan ni Kris habang nasa baba naman ang pamilya Marcos na tila ipinapakita na malakas na malakas pa ang mga pangangatawan.

Nagtataka ito kung bakit mismong sa isang abogado pa nangagaling ang mga nasabing salita.

“Pure evil.” ani Janno. “To suggest that Kris Aquino is sick as a family curse and seemingly deserves it is just Pure Evil. No other words to describe. And the language. This coming from a lawyer. Is this the Filipino today?”

Nasa Amerika ngayon si Kris upang ipagamot ang kanyang sakit na maituturing na bihira kaya’t mahirap makahanap ng gamot.

 

Facebook Comments