HomeCelebritiesG Tongi pinangaralan si Ella Cruz, ikinuwento ang pagpunta niya sa EDSA...

G Tongi pinangaralan si Ella Cruz, ikinuwento ang pagpunta niya sa EDSA noong 1986: “It feels like erasure. ‘Di tama!”

Pumalag ang Filipino-American actress na si G Tongi sa pahayag ni Ella Cruz na ipinagkumpara ang history sa tsismis.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history,” aniya.

“Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here, alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” dagdag pa nito.

Sa kanyang tweet, kinausap ni Tongi si Cruz at sinabi na hindi na kailangan pang umakto ng aktres na gaganap bilang Irene Marcos ang pagiging “villain” nito.

“@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles.” wika ni Tongi.

Ibinahagi din nito na noong 8-anyos pa lamang siya ay nagmartsa ito sa EDSA noong 1986 na nagpatalsik sa administrasyon ni dating pangulong Ferdinand Marcos na ama ng kasalukuyang presidente na si Bongbong Marcos.

“I would ❤️ to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who r part of a history you are dismissing as here say.” sabi ni Tongi.

“Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Cruz sa mga batikos sa kanya maliban sa paghingi niya ng “humanity” dahil sa nadadamay na ang kanyang pamilya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular