HomeCelebritiesErwin Tulfo, humingi ng paumanhin sa babae na sinungitan ng taga DSWD:...

Erwin Tulfo, humingi ng paumanhin sa babae na sinungitan ng taga DSWD: “Ako po ay nahihiya,”

Humingi ng paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa isang babae na humingi ng tulong sa satellite office ng kanilang ahensya sa Tagbilaran, Bohol.

Ayon sa complainant ay pumunta siya sa nasabing satellite office upang magtanong kung kwalipikado ba siyang maging beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa hirap silang itaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Imbis na tulungan ay pinagalitan pa diumano ng trabahador ng DSWD ang complainant na umuwing luhaan.

Matapos mag-viral ang post ng complainant ay agad na humingi ng paumanhin si Tulfo.

“AKO PO AY NAHIHIYA AT HUMIHINGI NG PAUMANHIN KAY NANAY NA PINAHIYA AT PINAGALITAN UMANO SA AMING DSWD SATELLITE OFFICE SA TAGBILARAN, BOHOL SA REGION VII.” ani Tulfo.

Nangako naman si Tulfo na kung mapatunayan ay ang nasabing trabahador ang unang makakatanggap ng parusa simula ng ipagbawal ng kalihim ang pagsusungit ng mga taga DSWD.

“NAY, PINAIIMBESTIGAHAN KO NA PO ANG INSIDENTE. AT KAPAG NAPATUNAYAN KO NA HINDI SINUNOD NG AKING EMPLEYADO ANG UTOS KO NA TRATUHIN NG MABUTI AT ASIKASUHIN ANG MGA KLIYENTE NG DSWD NA TULAD NYO, SIYA PO ANG KAUNA-UNAHANG EMPLEYADO NG DSWD NA SUSUSPINDIHIN KO DAHIL BASTOS ANG PAG-UUGALI,” sabi ng dating mamamahayag.

screencap 2022 07 08 at 11.21.45 AM

Hinangaan naman ng mga netizens ang ginawang aksyon ni Tulfo.

“Salamat po sir tulfo at naupo kau sa pwesto nayan para mabigyan pansin Ang mga dapat na tumatangap ng 4ps,” sabi ni 여름앤.

“Ayos sir may nasampulan agad! Sana magtuloy tuloy po ang pagmamalasakit sa mga naaapi at nangangailangan lalong lalo na ang mahihirap na di napapansin dahil sa sistema na palakasan,” wika naman ni Liandre Sarbie.

Matatandaan na unang ipinag-utos ni Tulfo ang pagbabawal sa mga parte ng DSWD na mag-sungit sa mga humihingi ng tulong sa kanila.

“Simula po ngayong araw, ayoko na pong makarinig ng tinarayan, sinigawan, o binastos ng empleyado natin ang mga lumalapit sa ating ahensya para humingi ng tulong. Suspensyon po ang katapat nito,” ani Tulfo.

“Tratuhin po natin nang maayos at alagaan ang mga klyente o mga customer natin na mga ito,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular