Home Celebrities Duterte, lubos ang kalungkutan sa pagpanaw ng kaibigan niyang si Ex-Japan PM Abe

Duterte, lubos ang kalungkutan sa pagpanaw ng kaibigan niyang si Ex-Japan PM Abe

0

Lubos ang kalungkutan ni dating Pangulong Rodrigo DUterte sa pagpanaw ni dating Japan Prime Minister Shinzo Abe na kanyang itinuturing na kaibigan.

Sa kanyang pahayag, nakiramay ang pangulo sa pamilya ni Abe at kinondena din nito ang karahasan na tumapos sa buhay ng dating prime minister.

Matatandaan na si Abe ang unang lider ng ibang bansa na bumisita sa Pilipinas at pinuntahan din nito ang mismong bahay ni Duterte sa Davao City.

Dahil dito ay itinuturing na kaibigan ng dating pangulo si Abe.

“I extend my sincerest condolences to his wife, Madame Akie, and family on this tragedy. I also join the Japanese People in mourning his loss and in condemning thE senseless act of violence.” sabi ni Duterte.

“During my presidency, former Prime Minister Shinzo Abe was not just the first foreign leader to visit the Philippines after my election but was also the only foreign leader to visit my home in Davao City. For this, I will always hold him close to my heart and cherish the moments we have shared together.” dagdag niya pa.

Ikinabigla ng buong mundo ang pagpanaw ni Abe sa kamay ng suspek na gumawa ng sarili niyang armas.

Maituturing na isa sa mga pinakamapayapang bansa ang Japan at hindi uso ang paggamit ng armas ng mga sibilyan sa nasabing bansa kaya naman ikinagulat ng mundo ang nangyari sa dating prime minister.

Facebook Comments