Home Celebrities Atty. Jesus Falcis, may babala sa mga lider matapos ang nanyari kay Abe: “You cannot sleep on the job”

Atty. Jesus Falcis, may babala sa mga lider matapos ang nanyari kay Abe: “You cannot sleep on the job”

0

May babala ang abogado na si Jesus Falcis sa mga lider ng bansa matapos ang nangyaring pagtapos sa buhay ni dating Japan Prime Minister Shinzo Abe.

Matatandaan na ang suspek sa pagtapos sa buhay ni Abe ay sinabi na hindi siya nasiyahan sa walong taon na pamumuno ng dating prime minister.

Ayon kay Falcis ay magsisilbing babala ito sa mga lider na maaring hindi rin mag-perform ng maayos.

Hindi diumano basta basta maaring iwanan ng nasabing lider ang kanyang trabaho o magkunwari na siya ay may sakit.

“A warning to all incompetent leaders. You cannot sleep on the job or play sick.” sabi ni Falcis.

Hindi naman malaman kung si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ba ang pinapatamaan ni Falcis dahil sa tinapos niya ang kanyang post gamit ang slogan ng kasalukuyang lider ng bansa.

Ibinalita rin sa parehong araw na mayroong sakit ang pangulo.

 

Nilinaw naman ni Falcis na hindi niya sinasabing hindi maayos na lider si Abe.

“But if someone hardworking like Abe can create a disgruntled citizens, what more lazy leaders elsewhere?” aniya.

Sa hindi malamang kadahilan ang burado na ang nasabing post ni Falcis.

Nitong nakaraan linggo lamang ay binatikos ni Falcis si Marcos dahil sa postponement ng unang cabinet meeting nila.

Sinabi din nito na hindi niya presidente si Marcos.

Facebook Comments