HomeCelebritiesJose Antonio Sanvicente, maari paring makapag rehistro ng bagong kotse: "Iba lang...

Jose Antonio Sanvicente, maari paring makapag rehistro ng bagong kotse: “Iba lang ang mag-drive”

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) na sa kabila ng pagbibigay nila ng habambuhay na suspensyon sa lisyensya ni Jose Antonio Sanvicente ay maari parin itong makapag rehistro ng bagong kotse.

Sa panayam kay LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz ay sinabi nito na hindi na saklaw ng kanilang kapangyarihan ang pagbabawal kay Sanvicente na mag rehistro ng mga bagong kotse.

Ibig sabihin nito ay maari paring makabili si Sanvicente ng bagong kotse ngunit hindi na siya legal na makakapagmaneho.

FB IMG 1655270268668

Maari naman daw kumuha ng driver si Sanvicente kung hindi ito mapaparusahan sa kanyang ginawa sa security guard na kanyang binangga.

Hindi po. Wala po tayong authority to do that,” ani Cruz. “Kasi it is his right to buy yung mga motor vehicle. Iba lang ang mag-drive. Wag lang siya,kasi wala siyang license.”

289028092 1943847049133650 1686498463936053789 n

Matatandaan na huling lumabas si Sanvicente sa publiko matapos itong mag press conference sa mismong headquarters ng PNP.

Umuwi naman ito ng hindi hinuhuli ng mga otoridad kahit na isa siyang hit-and-run suspect.

Hindi naman maitago ng mga netizens ang pagkadismaya sa pamunuan ng PNP sa diumano’y VIP treatment na natatanggap ni Sanvicente na pinaghihinalaang kamag-anak ng isang mataas na opisyal.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular