Home Celebrities Historian Xiao Chua may banat sa paghingi ng awa ni Ella Cruz: “Mga kakampi mo ang walang humanity”

Historian Xiao Chua may banat sa paghingi ng awa ni Ella Cruz: “Mga kakampi mo ang walang humanity”

0

Nagbigay ng tugon ang kilalang historian na si Professor Xiao Chua sa pinakabagong pahayag ni Ella Cruz laban sa mga kritiko niya na dinadamay ang kanyang pamilya.

Matatandaan na lumobo na ng lumobo ang isyu na kinakaharap ni Ella dahil sa pagkukumpara niya sa kasaysayan sa tsismis na hindi nagustuhan ng mga celebrities, historians at ng mga netizens.

“Bash me all you want pero wag niyong idadamay pamilya ko. Have a little humanity, please.” sabi ni Cruz sa kanyang post.

Binanatan naman ni Chua si Cruz at sinabi na ang mga kakampi ng aktres ang mga walang “humanity”.

“Humihingi kayo ng humanity pero ‘yung mga kakampi niyo ang walang humanity sa amin. Ganyan talaga ngayon Sawa na ako sa call for sobriety, ‘pag inaway ka, awayin mo.” ani Chua.

“Naaawa din ako sa sarili ko dahil sa sinasabi tungkol sa akin na hindi makatuwiran pero walang panahon para magdrama dahil labanan ito Tapos ngayon humanity ang hingian, sabihin mo sa mga kakampi mo, mauna kayo,” dagdag niya pa.

Hindi binanggit ni Chua kung sino ba ang mga kakampi ni Cruz na binabangit niya.

Pero matatandaan na inulan din ng batikos mula sa mga netizens ang mga historian katulad ni Chua at ni Ambeth Ocampo dahil sa pagpuna nila sa sinabi ni Cruz.

Gumaganap si Cruz sa pelikulang Maid in Malacañang na inaakusahan na pagsubok na baguhin ang kasaysayan.

Facebook Comments