HomeCelebritiesAma ni Ella Cruz, nagsalita na: "Wag maging masyadong matalino sa school,...

Ama ni Ella Cruz, nagsalita na: “Wag maging masyadong matalino sa school, madaming pera sapat na!”

Ipinagtanggol ng natalong kandidato sa pagka-alkalde ng Angat, Bulacan na si Tantan Cruz ang kanyang anak na si Ella Cruz sa gitna ng pambabatikos na natatanggap nito sa social media dahil sa kanyang pahayag tungkol sa “kasaysayan”.

Matatandaan na ipinagkumpara ni Ella sa ‘tsismis’ ang kasaysayan na agad naman pinalagan ng mga eksperto, celebrities at mga netizens.

Tila lalo pang nagpalaki sa isyu ang pagsasalita ng ama ni Ella dahil sa sinabi nito na hindi niya pinangarap na maging masyadong matalino ang mga anak niya sa eskwelahan.

Mas mahalaga diumano sa kanya na masaya ang kanyang mga anak at maraming pera.

“Tama ang pagpapalaki ko sa mga anak ko na wag maging masyado matalino sa school, yung masaya at madaming pera sapat na!!! Kesa mataba nga ang utak ang hirap naman paliwanagan!” sabi ng politiko sa kanyang ngayo’y deleted na Facebook post.

tantan cruz 1
Screencap ng post mula kay Tantan Cruz.

“HISTORY IS LIKE…. CHISMIS vs. HISTORY IS LIKE CHISMIS Malaki pagkakaiba kapag binigkas pero kapag binasa lang, sobrang magkahalintulad. Ang problema, binasa lang e, hindi nadinig kaya na judged! Kaya dapat BAWAL JaDgemental!” sabi pa nito sa isa niyang social media post.

tantan cruz 2
Screencap ng post mula kay Tantan Cruz.

Hindi naman nakapagpigil si Ella dahil sa nadadamay na ang kanyang ama na tinatawag pa ngayong “2%” ng mga kritiko nila dahil sa nakuha nitong boto noong tumakbo itong alkalde sa Angat.

Nakakuha lamang kasi ng 731 na boto ang ama ng aktres kumpara sa nanalong alkalde na si Jowar Bautista na may 22,797 na boto.

“Nathaniel Shawn Martin Estrella and Toni
At kung sino pa, Bash me all you want PERO WAG NIYONG IDADAMAY PAMILYA KO. Have a little humanity, please.” pakiusap ng aktres.

screencap 2022 07 07 at 9.44.45 PM

Inulan naman ng komento sa social media si Ella sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular