Home Celebrities Vice President Sara Duterte, nag-volunteer na pangunahan ang prayer sa unang cabinet meeting

Vice President Sara Duterte, nag-volunteer na pangunahan ang prayer sa unang cabinet meeting

0

Isinagawa nitong Hulyo 6 ang unang cabinet meeting na pinangunahan ni President at Agriculture Secretary Bongbong Marcos.

Isa ang nasabing meeting sa mga pinakahihintay ng mga netizens dahil sa dito makikita kung paano ba magtrabaho ang pangulo.

Ngunit hindi lamang si Marcos ang nakaagaw pansin sa nasabing cabinet meeting.

Bago mag-umpisa ang nasabing pagpupulong ay naghanap muna si Marcos na mangunguna sa kanilang prayer.

“OK, so before we start, who will lead the prayer?” ani Marcos.

“Sino ba ang pastor dito?” dagdag niya pa.

Agad naman nag-volunteer si Duterte at sinabi na siya na ang mangunguna sa prayer.

Ilang netizens naman ang naaliw sa ginawang pagbo-volunteer ni Duterte na siya ring nangunguna sa Department of Education (DepEd).

“She reminds us of our bibong bibong classmate na nakaupo sa harapan and who often saves the day,” sabi ni netizen MJ Quiambao Reyes.

“I remember my classmate was called to lead the prayer at the start of the class and he prayed “Bless us Oh Lord, on these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ Our Lord, Amen.” ani Geopano Luigi Jr.

 “Wow! Salute to you VP Inday Sara! So proud of you for volunteering to lead the prayer. Impressive,” komento naman ni Adel Caslub.

“Napakaganda talaga kapag ticket yung President at Vice President. Nagtutulungan. Kailangan talaga ma amyenda ang konstitusyon at gawing one vote na lang ang President at Vice President.” wika ni Luqman Imam.

Facebook Comments