HomeCelebritiesTricia Robredo, pumalag sa pagbabago ng pangalan ng NAIA: "Ito pa talaga...

Tricia Robredo, pumalag sa pagbabago ng pangalan ng NAIA: “Ito pa talaga ‘yung uunahin”

Pumalag si Dr. Tricia Robredo, anak ni dating Vice President Leni Robredo sa panukala ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaan na nitong Hulyo 5 ay isinulong ni Teves Jr. ang pagbabago ng NAIA sa pangalang Ferdinand E. Marcos International Airport dahil mas akma daw ito dahil ang dating pangulo ay maraming nagawang kontribusyon sa nasabing paliparan.

Sa kanyang tweet, sinabi naman ni Robredo na sa gitna ng nangyayari sa ekonomiya ng bansa ay bakit uunahin pa ang pagbabago ng pangalan ng NAIA para isunod sa ama ng kasalukuyang pangulong Bongbong Marcos.

“Literally in this economy, ito pa talaga ‘yung uunahin,” ani Robredo.

Ito rin ang opinyon ng mga followers ni Robredo.

“To think renaming an airport can cost millions—from changing signages leading to it to changing the names in control prompts both locally and internationally.” sabi ni @davasillias.

“Parang nagulat tayo Doc. ‘di ako magugulat in next few years tiyak may mga lugar na ipapangalan sa kanila. Kaya’t kung namulat, ‘wag na muling pumikit. Tayo ang magtutuwid sa mga baluktot nilang pag-iisip.” komento naman ni @lyz.

Natalo ni Marcos ang dating bise presidente sa nakaraang halalan ng mahigit 16-M na boto.

Samantala ay tikom naman ang bibig ng palasyo sa gustong gawin ni Teves Jr. dahil sa kaka-file pa lamang nito at kulang pa ang impormasyon tungkol dito.

“It’s just been filed. After all, wala pang first reading. So, any reaction will be premature, if any, is even warranted at this time,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular