Home Celebrities Lolit Solis, tinawag na ‘bobita’ at ‘walang kwenta’ si Ella Cruz dahil sa sinabi nito tungkol sa kasaysayan

Lolit Solis, tinawag na ‘bobita’ at ‘walang kwenta’ si Ella Cruz dahil sa sinabi nito tungkol sa kasaysayan

0

Hindi napigilan ni Lolit Solis na banatan ng diretsahan ang aktres na si Ella Cruz matapos ang pahayag ng aktres tungkol sa kasaysayan ng bansa.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro’n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kaniya-kaniyang opinion, I respect everyone’s opinion,” kontrobersyal na pahayag ng aktres.

Sa programag “Take it! Take it! Me ganun!” na programa ni Solis at ni Mr. Fu ay pinag-usapan nila ang pahayag ni Ella tungkol sa mga natutunan niya bilang pagiging parte niya ng “Maid in Malacañang”.

“Alam mo bilib ako sa utak niya. Imaginin mo, isa siyang walang kakuwenta-kuwentang starlet, na ngayon ay pinag-uusapan na,” sabi ng kolumnista.

“Ang galing. Sinong makakaisip nun? Tinalbugan niya talaga lahat. Nag-react lahat. Kasi ‘di mo akalain na may isa pa lang bobita, ganito pala kab*b*ng tao,” dagdag pa niya.

Nagbigay din ng payo si Mr. Fu kay Ella at sinabi na ang kasaysayan ay kasaysayan at magkaiba ito sa chismis.

“Kasi history ay based on facts, ang chismis, ito nagchi-chismisan tayo. Magkaiba ‘yun, hindi pwedeng magka-intertwine kaya ka nag-trending,” sabi ng co-host ni Lolit.

Facebook Comments