HomeCelebritiesKapatid ni PBBM na minsan lang lumabas sa publiko, may mensahe sa...

Kapatid ni PBBM na minsan lang lumabas sa publiko, may mensahe sa mga kritiko: “‘Sana we can talk about stuff without throwing hate,”

Dahil sa nagbalik na muli sa Malacañang ang mga Marcos sa pagkapanalo ni President Bongbong ay napag-usapan muli hindi lamang ang pangulo kundi ang kanyang mga kapatid.

Ngunit alam niyo ba na maliban kay Imee at Irene ay may isa pang kapatid ang pangulo? Ito ay si Aimee na “adopted daughter” ng pamilya Marcos.

Naging aktibo naman bigla si Aimee sa paglalabas ng pahayag at nagbigay ito ng mensahe sa mga kritiko ng kanyang pamilya.

Sa panayam sa kanya ng NEWS5 ay hiniling ni Aimee na isang “musician” na sana’y maayos na makipag-usap sa kanila ang mga kritiko.

screencap 2022 07 07 at 1.42.17 AM

“The bashers, even the haters, you guys are there to make us stronger, to challenge us, and stuff. So I thank you for that as well,” ani Aimee matapos nitong pasalamatan ang mga naging parte ng kanilang pagkapanalo.

“There should always be two sides of a conversation. Hindi dapat nag-iisang side lang, boring naman ‘nun masyado.” dagdag niya pa.

“Pero sana naman we can talk about stuff without throwing hate around so much. Let’s talk about it in a proper way. Okay naman ‘yun e, diba? We all have our own perspective on stuff. Sana you can hear out ours na,”

Naging parte si Aimee ng kampanya ng kanyang kapatid na maituturing na tagumpay kahit na binato sila ng patong patong na kontrobersiya ng kanilang mga katunggali.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular