HomeCelebritiesJay Sonza may aral sa nangyayari kay Kris Aquino: "Huwag magmayabang sa...

Jay Sonza may aral sa nangyayari kay Kris Aquino: “Huwag magmayabang sa anuman ang meron ka,”

Gumawa ng isang tula ang mamamahayag na si Jay Sonza sa aral na kanyang natutunan tungkol sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino.

Matatandaan na nasa Amerika na ngayon si Aquino dahil sa hindi na magamot sa Pilipinas ang kanyang karamdaman na kung tawagin niya ay “chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis at vasculitis”.

Isa si Aquino sa pinakamayamang miyembro ng showbiz industry ngunit marami ang nag-aalala na baka hindi parin nito kayanin ang gastos sa pagpapagamot lalo na’t itinuturing na kakaiba ang karamdaman niya.

Kahit ang kolumnista na si Cristy Fermin ay sinabing “bilyon” ang maaring gastusin ng aktres para sa kanyang karamdaman.

Dahil dito ay naniniwala si Sonza na mayroong aral na matututunan ang mga netizens sa nangyayari ngayon sa Queen of all Media.

Eto ang kanyang tula:

“Tama nga ang sabi nila.
Ang ganda lumilipas lamang,
Ang yaman ay saglit laang,
Ang karangyaan ay dumaadaan lang.

Kaya ikaw habang buhay,
matutong magpakumbaba,
matutong magpasalamat
matutong magpatawad.

Huwag magmalinis
Huwag mag-inarte
Huwag mang-away.

Huwag magmayabang sa anuman ang meron ka
Sapagkat ang Diyos na ang bumawi ng lahat na meron ka
Walang silbi ang ginto, bank account, ari-arian, pera, at iba pa.

Kaya magpakabait ka
Be A servant Of God.

Get well soon miss Kris.”

Ilang followers naman si Sonza ang nagbigay ng komento sa tula ng mamamahayag.

“Kris.makinig ka sa mga advices sayo para gumaling ka, surrender to our god he is loving an mercyfull, god is waiting for you na bumalik ka sa knya god will welcome you mercifully,” payo ni netizen Nelie Justan.
“Sabi nga ng Hotdogs sa kantang “Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko” “Kagandahan tulad ng suwerte nawawala” wika ni Greg De Guzman.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular