HomeCelebritiesDawn Chang, nakisali sa isyu tungkol sa history: "Bago magsalita, mag-aral ng...

Dawn Chang, nakisali sa isyu tungkol sa history: “Bago magsalita, mag-aral ng kasaysaya, para may tamang ambag sa lipunan”

Tila may patama muli si Dawn Chang sa kapwa niya aktres at kasamahan niya sa Kapamilya Network na si Ella Cruz.

Sa kanyang tweet, nagsalita si Dawn tungkol sa kahalagahan ng kasaysayan at kailangan itong alalahanin ng bawat isa.

“Mahirap maging pag-asa ng bayan, kung ang ating kasaysayan ay sadyang kakalimutan. As Filipinos we need to collectively help each other learn the lessons from the past,” sabi ni Dawn.

“So we have a better future ahead. Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan,” dagdag niya pa.

screencap 2022 07 07 at 1.18.51 AM

Matatandaan na pinagkumpara ni Ella ang kasaysayan sa “tsismis”.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.” ani Ella.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there (was) so much pressure on their side during those times?” dagdag niya pa.

Nagiging usap usapan din ngayon ang posibleng pagbabago sa kasaysayan dahil sa pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos.

Ngunit itinanggi ito ng unang pamilya at sinabi na gusto lamang nilang ikuwento sa pamamagitan ng pelikulang “Maid in Malacañang” kung ano ang nangyari sa kanila sa huling 72 oras bago sila napatalsik sa palasyo.

Hindi ito ang unang beses na nakisali si Dawn sa mga viral na isyu.

Nitong Pebrero ay binatikos din nito si Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta nito sa mga Marcos.

READ MORE: Dating PBB housemate Dawn Chang, binanatan si Toni Gonzaga: Paano mo nasikmurang suportahan at tulungan sila?

Matapos ulanin ng batikos ay hinimok na lamang nito ang mga kritiko nyia na tumahimik nalang.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular