Home Social Media Congressman Teves Jr. gustong isunod ang pangalan ng NAIA kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Congressman Teves Jr. gustong isunod ang pangalan ng NAIA kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

0

Isinusulong ngayon ng kontrobersyal na kongresista na si Arnolfo Teves Jr. na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawin itong Ferdinand E. Marcos International Airport.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Teves na representante ng Negros Oriental 3rd District na mas nababagay na isunod ang pangalan ng NAIA kay Marcos dahil diumano sa kontribusyon ng dating pangulo sa pagpapatayo ng nasabing paliparan.

“This project was done during the time of the presidency of Ferdinand Marcos Sr.,” ani Teves Jr.

“It is more appropriate to bear the name that has contributed and legacy (sic) in our country to make the Philippines a center of international and domestic air travel, who has instituted and built or conceptualized the project in making pride (sic) of our country,” dagdag niya pa.

Inulan naman ng halo halong reaksyon sa social media ang ginawa ni Teves Jr. na matatandaang naging kontrobersyal narin matapos akusahan ng pambubugbog ang kanyang anak ng isang guwardya.

READ MORE: Anak ng Congressman na nambugbog sa security guard sa isang subdivision, tukoy na

Ilang beses nang sinubukan ng ilang mambabatas na baguhin ang pangalan ng NAIA na ipinangalan kay dating Sen. Ninoy Aquino Jr na nasawi sa nasabing paliparan.

Noong 2020 ay sinubukan baguhin ni dating Deputy

 

Facebook Comments