Home Celebrities Anyare? Jim Paredes, misteryosong nawala ang Twitter account

Anyare? Jim Paredes, misteryosong nawala ang Twitter account

0

Ilang fans ngayon ni Jim Paredes ang nag-aalala matapos misteryosong nawala ang Twitter account ng isa sa mga tinaguriang living legend ng OPM.

Sa ngayon ay hindi na mahanap sa Twitter ang page ni Paredes na matatandaang aktibong aktibo sa nasabing social media platform.

Ilang netizen ngayon ang iniisip kung bakit nagdesisyon na tumigil muna sa paggamit ng social media ang singer na kilala sa pagiging kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Omg! Did @Jimparedes┬ádeactivate his Twitter account??” tanong ni @benign0.

“Maybe he is just busy with his favorite pastime,” tugon naman ni @ramalcantara2

Ilang netizen din ang iniisip kung may kinalaman ba sa kalusugan ni Paredes kaya’t nag-deactivate ito ng kanyang account.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Paredes dahil sa pagkalat ng kanyang pribadong video sa social media.

Sa ngayon ay ang tanging bukas na lamang ay ang Facebook account ni Paredes na ang huling post ay nitong Hulyo 2 kung saan binati nito si dating First Lady Imelda Marcos ng ’93th’ Birthday.

Facebook Comments